Aspiring Book Author: Fel Santos

Aspiring Book Author: Fel Santos

Share

Hi! I’m Fel and I enjoy writing books especially at this time of year; it fills me with joy. ✨

24/03/2026

Inspirational story:

Sino nga ba ang hindi nagkakamali sa kanyang desisyon kung minsan?

Ngunit ang mahalaga ay may pagkakataon pa na baguhin ang lahat..

“HISTORY REPEAT ITSELF”

NARRATOR: Blas had been thinking a long time about how to tell his father about marrying his girlfriend Fiona.

BLAS: Father, I want to marry Fiona so we can be together.

DODONG: What? But son, you're still young, and what about your studies? you have a lot of things you can do.

BLAS: But father, I don't want to study anymore. I'll continue helping you on the farm. And I know I can handle the responsibility.

NARRATOR: And suddenly, Dodong remembered his past and felt sad in his heart.

TEANG: Blas, your father is right. Think about it carefully.

BLAS: But mom, even if you say I'm young, I know I'm ready. I love Fiona and I will marry her.

NARRATOR: One day Carlo (his friend) saw him looking sad, that's why he decided to talk to him.

CARLO: Blas is everything ok? Maybe I can help you.

(Malungkot na tiningnan ni Blas ang kaibigan)

BLAS: My parents don't want me to marry Fiona.

(Nagkibit balikat naman si Carlo)

CARLO: Well I guess, they're thinking about your future Blas.

BLAS: But why can't they understand? I will work hard on the farm like they did.

(Napailing na lamang si Carlo, sabay hawak sa balikat ng kaibigan)

CARLO: Whatever you decide, I'm here for you friend.

NARRATOR: And Blas stood firm. His parents eventually agreed even though it hurts them and worries their son. After all the preparation, four months later Blas and Fiona got married.

And Blas kept his promise to himself and to Fiona, he worked hard on the farm with his father.

After a year, Blas and Fiona had a baby boy named Carl.

One afternoon Blas came home tired and hungry. He called his wife Fiona.

BLAS: Fiona.. Fiona.. please make me some coffee.

(Ngunit nagmamadaling tumakbo si Fiona papunta sa kanya)

FIONA: Blas! Our son has a high fever! We need to take him to the hospital in a hurry.

BLAS: What?

(At nagmamadali nilang dinala sa ospital ang bata)

NARRATOR: Two days later, Blas saw Fiona alone and crying.

BLAS: Why are you crying Fiona?

FIONA: Blas, don't you see? We can't afford a good hospital for our son because we have no money.

(Patuloy na umiiyak si Fiona)

BLAS: But I worked hard on the farm and did my best! Don't you see?

(Fiona, tumingin ng galit kay Blas)

FIONA: But it's not enough!

BLAS: What do you want me to do?

(Dumating ang kanilang mga magulang at nakita silang nagtatalo)

TEANG: Will you please stop fighting, and let's help each other instead.

DODONG: BLAS, let's find a way to help your son.

NARRATOR: One month later, Carl recovered but life was still tough for Blas and Fiona. They wondered if they made a mistake upon getting married so young.

One day, while Fiona walked home she saw a crowd of people.

FIONA: Huh! What's going on? Why are there so many people there?

NARRATOR: She approached the hall and saw her former teacher, Mrs Reyes speaking.

Mrs. REYES: Our advocacy is to provide financial and moral support to those who want to continue their education. It's a free program from the government.

NARRATOR: Fiona listened until the meeting was finished, then turned to leave. When she heard a voice calling her.

Mrs. REYES: Fiona! Fiona!

(Nahihiya siyang lumingon dahil alam niyang si Mrs. Reyes iyon)

Mrs. REYES: Fiona it's you! How are you?

(Nahihiya siyang sumagot)

FIONA: Ahm, I'm okay ma'am.

(Napangiti naman sa kanya si Mrs. Reyes bago muling nagsalita ito)

Mrs. REYES: I heard you got married and stopped studying.

(Tuluyan namang napayuko si Fiona)

Mrs.REYES: Don't be shy Fiona and don't you think it's too late for you. There's a lot of opportunities waiting for you, you're young and smart.

FIONA: Thank you ma'am

(Hinawakan ni Mrs.Reyes ang kanyang kamay)

Mrs. Reyes: I will be happy to see you in our program Fiona. Good luck!

(Malungkot na tumango si Fiona)

NARRATOR: As she walked, she can't avoid thinking about her teachers words and remembering her past advice.
She wished she had listened, instead of following her heart.

Two weeks later before the program will start, Fiona decides to study again. She told Blas and he supported her.

It was tough for Fiona balancing school.. being a mom to her son.. and being a wife to Blas.. but she never gives up, hoping that she can make it.

Four years later, after so much suffering she graduated with honors as an accountant.

With the help of her scholarship and people who loved her, she became successful.

And on her big day (graduation)
the people who believed in her were there.

And everyone congratulated her..

“Congratulations”

BLAS: Congratulations Fiona! You didn't give up, despite all the struggles and hardships.

FIONA: Thank you Blas, for your support. Now it's your turn Blas, I’ll help you achieve your dreams like you help me.

BLAS: What do you mean?

FIONA: You say, you also want to continue your study before and I'm here to support you. I will help you to achieve your goals, like you supported me.

(Napangiti si Blas sa narinig)

BLAS: Thank you Fiona.

FIONA: You're always welcome Blas.

NARRATOR: Fiona was sure they will have a bright future now with Blas. And she's happy thinking that all their hard work was paying off.

Life is full of mistakes, but what is important is we learn from them and move forward.

We’re not perfect and that's okay – it's what makes us human.

But the beautiful thing is we were given hope… a chance… a chance to start anew and make things right. Even if
“History Repeat Itself”

Photos from Aspiring Book Author: Fel Santos's post 03/01/2026

Sa mga gustong ma inspire at makapulot ng magandang-aral sa buhay pwede po kayong makinig sa..

"Qwentong tinig" on YouTube Channel. 🥰

Credit to the owner of pictures.

21/12/2025

Salamat sa lahat ng sumuporta sa "Ang Minsan Kong Pinangarap"

21/12/2025

Nakakalungkot lang 🥲

20/12/2025

Itinulak naman ni Thea ang wheelchair at lumabas sila ng bahay upang pagmasdan ang pagsikat ng araw..

Naupo si Thea sa kahoy na upuan sa labas ng kanilang bahay..

Masaya siyang ngumiti habang tinitingnan ang mga ibon na nakadapo sa puno..

Wala siyang kamalay-malay na nakatitig sa kanya si Rommel..

Masakit ang puso ni Rommel, habang pinagmamasdan si Thea dahil alam niyang aalis na ito.. Ngunit hindi naman niya maisatinig ang nais sabihin..

At sino nga ba siya upang hadlangan ang asawa..
Biglang sumagi sa kanyang isip ang mga nakaraan..

Mga nakaraan na sakit na naidulot niya kay Thea..
Gustong pumatak ng kanyang luha, ngunit pinigil niya..

“Rommel o! tingnan mong mga ibon, ang saya nila..” ani Thea na hindi napapansin ang dinaramdam ng dating niyang asawa

19/12/2025

Maikling Kwento:

Si Elle At Ang Matapang Na Duwende

Si Elle ay isang magandang dilag na nakatira sa baryo Mahika. Maliit lamang ang kanilang bayan at may kalayuan sa kabihasnan at pinaniniwalaan na may mga naninirahan na mga kakaibang nilalang tulad ng mga duwende, engkanto, kapre, at iba pa.

Ang kanyang ama ay si kakang Arthur na matalik naman na kaibigan ni kakang Jones. Si kakang Jones ay may-anak na binata na si Lee, hindi kagwapuhan itong si Lee ngunit may pagka maangas kung tingnan.

Mga bata pa sina Elle at Lee ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang ngunit ang bagay na ito ay labag sa kalooban ng dalaga.

“Aise, aking irog, naisip kong bakit hindi pa natin ipakasal sina Elle at Lee, tutal naman ay nasa tamang edad na sila?” ani kakang Arthur

“Oo nga mahal kong asawa, at sa palagay ko naman ay handa na sila.” sagot naman ni Aise

Tumutol naman kaagad ang dalagang si Elle ng marinig ito.

“Hindi! hindi ako magpapakasal sa pangit nayon at ang balita ko pa ay may lahing engkanto ang mga yon!” tutol naman ng dalaga

“Tumigil ka Elle! iyon ang desisyon namin ng iyong ina, iyon ang masusunod.” ani kakang Arthur sa galit na anak

Lumipas ang tatlong araw at balisa si Elle. Nag-isip sya ng paraan kung paano makakatakas.

Nang biglang maalala niya ang kaibigan na si Darren..

“Elle, kaibigan mo ako at kung may problema ka ay huwag kang mahiyang magsabi sa akin.” ani Darren

At isang gabi, habang mahimbing na natutulog ang kanyang mga magulang, bitbit niya ang kanyang bayong na may lamang mga damit.

Lakas loob siyang lumabas ng bahay, lalayas siya at ang plano niya ay magpunta sa kanyang kaibigan na si Darren. Ngunit malayo ang bahay ng kanyang kaibigan, ito ay matatagpuan malapit sa paanan ng bundok Makiling.

“Ah, ah, ang sakit na ng paa ko, pero hindi bale, hah.. mukhang malapit na ako sa bundok, nasa gilid lang naman ang bahay ni Darren eh.” aniya habang pagod na pagod sa paglalakad

Maraming kakaibang huni ng mga hayop ang kanyang naririnig habang binabagtas ang daang iyon. At isang flashlight lamang ang nagsisilbi niyang liwanag ng mga sandaling iyon.

Ngunit hindi nababalot ng takot ang kanyang dibdib, dahil naalala niya ang dahilan ng kanyang pagtakas sa mga magulang.

“Hindi bale, makakarating din ako sa aking paroroonan, magtitiis na ako, kesa naman makasal sa pangit na Lee na iyon.” bulong niya sa sarili habang naglalakad

Bumilis ng bumilis ang hakbang ng dalaga kahit may konting kaba sa kanyang dibdib dahil sa madilim na paligid.

“Darren.. Darren..” usal niya

Nang biglang umihip ang malakas na hangin at nagsimulang sumayaw ang mga dahon.

“Hay naku ano ba yan? kung narito lamang si Darren ay sigurado kong tutulungan ako ng kaibigan kong iyon.” aniya habang gustong palakasin ang loob

Nang biglang may marinig na tinig ang dalaga na tila ba noon lamang niya narinig. At parang nanggagaling ito sa malalim na balon.

Mahina.. ngunit malambing at malamyos na tinig mula sa isang babae.

“Elle.. Elle..” wika ng tinig

Kinilabutan siya at mabilis na nagtatakbo sa sobrang takot. Kung kaya't hindi niya nakita ang isang sanga na babagsak sa kanya kaya hindi siya nakailag dito.
Mabilis siyang nawalan ng malay tao pagtama ng sanga sa kanyang noo.

At lumipas ang ilang sandali..

“La..la..la..la..” isang malamyos na tinig na galing sa isang dilag ang umaawit

“Huh! n-nasan ako?” nagtataka niyang tanong

Nakita ni Elle, ang magandang diwatang si Fel, na nasa kanyang harapan.

“S-sino ka? nasan ako?” ulit niya na medyo kinakabahan sapagkat mukhang kakaiba sa kanya ang paligid

“Ako ang diwatang si Fel at nandito ka sa aming kaharian.” sagot nito

“Ha? anong kaharian?” aniya na gulat na gulat

Isang gwapo at may maamong mukha ngunit maliit na nilalang ang lumabas at nagsalita mula sa likuran ng diwatang si Fel.

“Oo, tama ka saiyong narinig, ako nga pala si Jomel, isang duwende na matagal ng sumusubaybay saiyo. At alam ko ang iyong suliranin kung kaya ka naririto, naglayas ka sainyo tama?” nakangiting tanong nito

“Oo tama ka, isa kang duwende, kung ganun i-ikaw yung tumutulong sakin na magdilig ng halaman at madalas kong naririnig na tila ba umaawit at naggigitara sa tapat ng aking bintana?” sabi ng dalaga

“Oo ako nga, sapagkat matagal na akong lihim na umiibig sayo. At hindi ako papayag na mapangasawa mo ang binatang Lee na iyon. Alam ko ang kanyang lihim na kapangyarihan at kung ipipilit niya ang nais niya sayo ay magtutuos kami!” galit na sabi ng duwende

Kinabukasan ay nalaman na lamang nila na nawawala ang dalagang si Elle kaya't dali dali silang nagpunta sa bahay nila kakang Jones upang ibalita ang nangyari.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay alam na pala ito ng binatang si Lee dahil sa lihim nitong kapangyarihan.

“Alam ko kung sino ang kumuha sa aking dilag at ngayon ay handa akong mamatay, mabawi lamang ang aking irog.” wika ni Lee na galit na galit

“Kung gayong ay tulungan mo kaming mabawi ang aming anak.” umiiyak na wika ni Aise ang ina ni Elle

“Huwag kayong mag-alala, dahil lalaban ako hanggang kamatayan!” ani Lee na tila ba hindi nagbibiro

Samantalang sa kabilang dako naman ay naroon ang duwendeng si Jomel at naghahanda sa paghaharap nila ng katunggaling si Lee.

“Ano mang oras ay alam kong susugod ka dito Lee, at alam kong Engkanto ka! ngunit handa akong tapatan ang iyong kapangyarihan. Ipaglalaban ko si Elle, at hindi mo siya makukuha sakin!” galit na wika ng duwende

At sabay na naghanda ang dalawang magkatunggali na handang mamatay sa ngalan ng pag-ibig.

Ngunit sa labanang ito ay mas higit na magtatagumpay ang may mabuting hangarin.

Kung kaya't nagtagumpay nga si Jomel sa laban.

Napasagot niya ang dilag na iniibig.
Magkaiba man ang mundo, ngunit hindi naging hadlang upang mahalin at ibigin ang isa't-isa..

At sila’y namuhay na maligaya..

18/12/2025

Chapter 1: My Chubby Girlfriend

Ako nga pala si Rico Mapayapa, 26 years old. Simple lang naman ako at palangiti at ang sabi ng mga chicks (🐣) sa amin ay cute daw ako kung ngumiti dahil sa dalawang dimples na nasa aking pisngi.

Ewan ko dimples nga ba ang tawag doon? Pero alam nyo, hindi naman talaga ako mapili sa babaeng pwede kong magustuhan.

Dahil sa simple nga lang akong tao, may taas na ⅝ at katamtaman kulay ng balat. Hindi rin ako mataba o macho kung tawagin, kumbaga ay katamtaman lang ang pangangatawan.

Wala din akong abs ha, na alam kong gustong gusto ng karamihang mga babae sa ngayon.. 😔 sorry

Pero sa totoo, eh lab ko talaga ang mga babaeng chubby. Ewan ko lang ha, pero talaga malakas ang dating nila sa akin.

Siguro dahil sa nakikita ko ang Awra ng mother ko sa kanila.
He.. he.. he joke 🤣 lang.
Pero basta para sa akin ay mas attractive sila.

Hanggang sa makilala ko nga si Nadine, pinsan ng bff ko. Grabe ang cute talaga ng mukha nya. Kaya lang, may konting problema eh.

Uy, satin satin lang ito ah! syempre ayoko namang magtampo siya sa akin no.

Eh kasi ang sabi ko chubby lang hindi naman oversized 😂
At sa kasamaang palad, eh iyan nga ang size niya. Kung Hindi ako nagkakamali eh baka nasa sisienta yata ang bewang niya 😭

Pero ganoon pa man ay wala akong pakialam.. Basta gusto ko siya, iyon lang ang tanging kong alam..

Kaya ang susunod na pangyayari ay nagplano ako kung paano ko siya liligawan.
Syempre magpapatulong ako sa bff ko.

“Justine, may sasabihin sana ako sa iyo.” nakangiti kong sabi

“Ano yon pre?” tanong naman niya

“Pwede ko bang ligawan ang pinsan mong si Nadine?” masaya kong tanong

“Ha? si Nadine, seryoso ka ba pare?” sambit niya

“Oo naman bakit?” sagot ko

“Ha, ha, ha, si Nadine? sa payat mong yan pare baka hindi ka makatagal sa kanya ha.. ha..” malakas niyang tawa

“Ay grabe ka naman sa pinsan mo.. Hindi naman ako sa sukat ng katawan tumitingin, este basta ang alam ko eh mabait naman si Nadine at gusto ko siya..” sabi ko

Humugot ng malalim na buntong hininga si Justine bago muling nagsalita.

“Hay, naku pare sige ikaw ang bahala, pero kung gusto mo talaga siya sige ilalakad kita sa kanya..” sagot niya

“Talaga pre! salamat, maaasahan talaga kita..” sabi ko

At lumipas ang isang linggo, tulad ng napagkasunduan ay inireto nga ako ng kaibigan kong si Justine kay Nadine..

At ng magkalapit kami ay mas nakilala ko pa siya.. Totoong mabait nga si Nadine.. 🥰

Ngunit sa kasamaang palad ay may isa pang “M” siyang taglay na katangian “Mahilig siyang kumain” 🤣 kaya eto ubos palagi budget ko..

Mabuti nalang at sa call center ako nagta trabaho at may maayos na sweldo para sa minamahal kong si Nadine..

Tatlong buwan na pagtitiis, este panliligaw pala sa wakas ay nakamtan ko na rin ang matamis niyang “Oo” at masasabi kong ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa mundo ng sinagot niya ako..

Ngunit ang pangungutya ng iba, syempre alam nyo na ay hindi mawawala.. Sa gandang lalaki ko daw na ito (EhEm) 😊 ay makakatagpo ako ng mas higit sa kanya, Eme..

Ano bang pakialam ko sa sasabihin nila??

Abangan ang mga susunod naming kabanata sa matamis naming pag-ibig 😃❤️

16/12/2025

Thank you Raevin... for taking care of him.. sana nga sa pagdating ng panahon, wala ng mga stray..

Photos from Aspiring Book Author: Fel Santos's post 21/11/2025

Sa Muling Pagbangon

Madalim ang langit, madilim
ang paligid; waring
nagbabayad ang masamang
panahon.
Sa pagitan lamang ng 3:00 –
4:00 ng hapon ay madarama
na ang dilim na bumabalot,
Senyales ng unos na
paparating,
Tanging huni ng mga kuliglig
ang maririnig sa paligid.

Sa pagdating ng bagyo, mga
tahanan nawasak at nasira.
Bagyo ay tuluyang nanalanta;
ang buong bayan ay lumubog
at halos hindi na makilala.
Sa gitna ng unos, mundo ay
nag-iba,
Mga presensya sa pag-aalay
ng kapayapaan, tila ba nawala
na.
Tahanan at buhay, biglang
naglaho na.

At sa wakas – bagyo ay
lumipas, may pag-asa pa
kaya matapos masalanta?
Sabi nila: “ Liwanag ay narito
na!”
Kaya't nagsama-sama para sa
bagong layunin,
Kalamidad ay pagtagumpayan
natin.

Paligid ay nagliwanag, kasabay
ng hanging tila ba kumakanta,
At sa muling pagbangon, sa
masalimuot na kahapon.
Dulot ng mapaglarong
panahon,
Ngunit ang mahalaga, ay
pag-iral ng pagmamahalan.

Pagtutulungan ay
mararamdaman; pagkatapos
ng hirap ay may
kaginhawahan.
Muling itatayo ang nawasak na!
Bagong umaga, bagong lakas,
at tagumpay.
Sa tulong ng Maykapal na
nagbibigay ng buhay.

Photo (credit to the owner )

30/09/2025

Maikling Tula:

“Ang Alaga Kong Si Cucu”

Ako ay may alagang a*o, siya ay si Cucu.
Minsan sa aking paglalakad duon sa aming bukid, natagpuan ko siya na hindi makaimik.
Agad ko siyang inuwi at inalagaan.
Kami ng aking pamilya ay napasaya niya.
Sapagkat siya ay mabait at magiliw na kasama.

Ngunit sa bawat pag-ikot ng ating buhay,
Minsan ay kailangang magkahiwalay.
Dulot ng malupit na pagkakataon, iniwan kita sa piling ng iba.
Ikaw ay nalungkot at nawalan ng sigla,
At sa aking muling pagbabalik upang kuhanin ka.
Nahuli na ang lahat sapagkat ikaw ay wala na.

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Calumpit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

Palimbang
Calumpit
3003