Mga salitang hindi malabas ni sól
poetry is my world.
29/05/2026
“Kasalanan ang mag mahal sa kapwa babae” pero kasalanan pa rin ba ito kung ang pakiramdam na ibinibigay nito sa akin ay parang na sa langit na rin ako? Kung paano hawakan nito ang mga kamay ko sa tuwing humihina ang puso ko.
Kasalanan pa rin ba ito kung ito at siya ang tanging rason kung bakit pakiramdam ko ay buo ako mag mahal kahit wasak na wasak na ang pag mamahal ko? Siguro naman ay hindi, hindi na kasalanan ito.
Hindi naman talaga kasalanan ang mag mahal ng isang tao, lalo na kung wala naman akong inaapakan at sinasaktan—walang iba kundi nag mamahal lamang.
But what if i really don’t know how to tell them i don’t love you anymore? Because the love i had for you in the beginning is still here with me and inside of my heart? That i never really knew how to unlove someone who had the entire version of me, that i never really knew how to let go of someone who knew my soul before they even met my eyes?
I tried avoiding you, i tried being distant and cold. But no matter how hard i try, i always seem to melt for you, the way you look at me as if i was the only person you see, the way you would hold my waist as if you’re telling me that you wanna be by my side no matter what happens, the way you would hold my hand whenever it was shaking as if you’re telling you’re telling me that you would reassure my heart even if it may be consumed by my own thoughts?
I hope you know that i never wanted you to think that i was taking you for granted, that i was just passing by, abusing your softness against my weakness. If you ever felt that way—i apologize for everything i've put you through.
But i hope you know that i made you my world too, i have a soft spot for you too, that i love you the way you love me too—but i was too quiet to even speak up. Being afraid that i might hurt you more, being afraid i might never be enough for someone like you. You were out of my league, you always were.
I was also attached to you, the way you were attached to me.
I was also comfortable with you, the way you were comfy with me.
I also built my days, the way you built yours around me.
I also let down my guard, the way you did with me.
I also made you my whole world, the way you did with me.
I was also genuine with my feelings with you, i always were. I also planned my future—with you in it, us playing around, adopting kids, playing with cats and dogs, dancing and kissing in the kitchen, being goofy in the rain. I wanted to marry you, but in order to do that: i have to fix myself first.
The thought of being your girlfriend feels heavy right now, feels deep and draining. That's why i wanna figure things out first, but please wait for me. Have some patience for me too, because as much as i wanted it to be you—i need to prioritize myself too. Because in order to love you: i have to love myself first.
I want to reconnect with you once things are lighter, because no matter what happened, i will always love you the way i promised you my heart will. And i am afraid I won't be able to love someone the way i loved you, so please wait for me.
20/05/2026
Makikipag sayawan ako sa mga tala, kung ito ang maging rason para malaman mong kahit mag mukha akong ewan, ay gagawin ko para mapangiti lamang kita, mahal ko. Oo, lahat ay kaya kong gawin para lang makita ko ang nag niningning mong mga mata at ang malawak mong ngiti sa mga bibig na minsa'y hindi naman kumikibo.
Sasayaw ako kasama ang tala basta't mayroong ikaw at ako sa mundong kinagagalawan nating dalawa. Walang problema kung mag mukhang lukmo at walang alam sa buhay, basta maririnig ko ang mga haliklik ng tawa mo.
20/05/2026
Sa dagat nag simulang pag masdan ang mga hakbang ng iyong paa, kung saan lubusan kitang nakilala. Sa tunog ng alon na nakakapag pakalma sa maingay kong utak na wala na palang ibang ginawa kundi ang saktan ang kapayapaan ko. Inalon ang mga puso natin sa isa't isa, sino nga bang mag aakalang makikilala kita?
At dumaan ang madaming alon, nakabantay sa liwanag ng mga mata mo. Grabe nga pala ang ilaw na binibigay mo sa madilim kong mundo, pero nagpakita naman ang kalangitaan, bakit pakiramdam ko ay kailangan kitang bitawan?
Sa kalangitaan na kulay kahel, pinag sisigawan ng puso na sana'y huwag kang bibitaw, hawakan mo ng mahigpit ang mga kamay ko, huwag kang humakbang palayo sa mga yapos ng yakap ko.
Ngunit pinaramdam sa akin ng kahel na langit na kailangan na pala kitang bitawan, hindi dahil ginusto ko, ngunit dahil kailangan ko.
"be kind to yourself" they say, but what if i don't really know how to imply that word? The way my mind goes blank whenever i see a sharp thing that can cut a line into my wrist, a wrist that i treated as paper in my entire life. They tell me i should choose myself too, but i wasn't taught that way, my parents taught me that i should never be too selfish, so growing up, i never got the chance to love myself too, i never got the chance to tell myself "I didn't deserve that, i never did". So i had to grew up thinking that even if they treated me as if i was someone who never stood my own ground, i would always need to treat them nicely and genuinely because revenge isn't something we do. They tell me "you will get better" but what if i never really got better, that i gotten worst as day passes by? They gave me an advice that i should be kind to myself, as i slide down the blade into my wrist, looking at the blood dripping from my own skin, as the scissors cut down my hair as if it was a tree meant to fall down.
Hindi ko pipigilan ang sarili ko mahulog muli sa'yo kung nais mong mag paramdam sa akin, nandito lamang ako, bumalik ka na, sinta ko. Walang problema ang mga kaibigan ko, kaya kong iwasan ang mga taong nag papagaan sa puso ko, kung alam ko naman na babalikan mo ako. Dahil ikaw mismo, ikaw din ang nag tatanggal ng bigat sa puso kong dinadala.
Ang sabi nga nila "the absence makes the heart grow fonder, but the presence puts the heart in danger"
Nanaisin ko pang mapahamak ang puso ko kung ikaw naman ang hahawak nito, ayos lang kung masira muli at mawalan ng tiwala, basta't may tayo, dahil alam kong hindi lahat ay perpekto, at kung nag mamahalan tayo? Ay sadyang masasaktan talaga tayo.
Iaalay ko saiyo ang puso ko, ibibigay ko ang tiwala ng utak ko, pang hawakan mo ang mga kamay ko sa tuwing nanginginig sa mga takot na minsa'y baka maging katulad ka rin ng ibang tao.
Oh sinta maibabalik paba?
Ang mga ala-ala nating kay saya
Sa dulo ay masisira
Sa umpisa nga lang ba masaya?
Hindi ko mawari kung oo o hindi
Ika'y babalik paba
Hindi ko na maramdaman ang iyong presensya
Tila patuloy ang pag hula
Kung ako paba ang laman sinta.
Gustong umpisahan ulit
Ang mahalin ka ang paboritong gawain
Gustong-gusto ko na umuwi sa'yo mahal
Makakauwi pa ba ako?
Bigyan nang kahulugan ang mga sinasabi
Para malaman kung totoo ba o hindi
Dito ka nalang ulit sinta
Ako ang mag mamahal at mag aalaga sa iyo.
Sa tuwing tinatalikuran ka nang mundo
Ako ang magiging kakampi mo sa lahat
Mas gugustuhin ko pa sa iyong presensya
Kaysa sa presensya nila
Ikaw ang naging tahanan
Kaya ikaw ang uuwian
Sa lahat nang oras
Ano man ang mangyari.
mga matang namimitig sa palihim na pagtangis, binubulong ang pagbanggit ng mabagsing anasan ng mga nilalang na pumaibabaw sa pipis na bato ng lupang kinatatayuan. nalulon nang tuluyan sa tubig na bagama't malanday lang, ay nakakabuwal sa pakiramdam.
ang luhang pumapatak sa mapupulang mga pisngi, ay nag-iiwan ng markang maitim na sumisimbolo sa mapait na kalagayan. ang pagsigaw ay 'di kayang gawin, 'pagkat walang ibang maihahandog ang mga nasa dulo ng tatsulok maliban sa parusang kapalit sa paglabas ng boses na salungat sa gusto nilang maulinigan.
ang mundo, oo, ito'y patuloy na umiikot, habang ang kabangisan ng sansinukob ay patuloy na magiging dahilan ng walang tigil na pag-daloy ng mga luha sa sulok ng madilim na daigdigan.
manatili ka sa kuta ng panghabang buhay na istado ng mundong umiikot. magbasakali ka sa hustong kahibangan hanggang sa tumigil ang pagbuga ng hangin mula sa iyong balungos ng bangaw mong pagkatao.
hayaang itagos ang espada ng mapang-aping mundo sa pagal mong puso. itugot ang pagbigay nila ng lason sa musmos mong kasarilihan upang ikaw ay tuluyang humiga at magpahinga sa walang kalatis na ataul. kung ang luhang gustong pumakawala nang malaya ay nanatiling nakakulong sa likod ng umaaray na mga mata, magsaya't magdiwang ka dahil alpas na dadaloy ang mga likido sa'yong mga nag-aaray na mga mata kung ipahinga ang sarili sa madilim na kabaong.
kung ang estado ng mundong umiikot ay 'di magbabago, pahintulutan mo ang mga namumuno na wakasin ang buhay mong naalipin sa malupit nilang pagkatao.
Ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang paghiling na sana balikan mo'ko.
Click here to claim your Sponsored Listing.