Konsi Emak Lucero
ASPIRING KONSEHAL NG BARANGAY MACABLING
Serbisyong may puso, lideratong may integridad, at pagkilos na may resulta.” Legit Luxxe Product Distributor in Taiwan.
Feel free to browse. Message us for inquiries. Thank you
25/09/2026
Mga minamahal kong kabarangay at mga sumuporta sa akin,
Mula sa kaibuturan ng aking puso, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa bawat isa sa inyo na nagbigay ng tiwala, pagmamahal, at suporta sa akin mula nang ako ay nagpahayag ng aking hangarin na tumakbo bilang Konsehal ng Barangay Macabling.
Hindi matatawaran ang mga karanasan, pagkakaibigan, at pagmamahal na aking natanggap mula sa inyo. Sa bawat salita ng paghikayat, sa bawat mensahe ng suporta, at sa bawat taong naniwala sa aking kakayahan, dala-dala ko ang mga ito bilang inspirasyon upang mas lalo pang maglingkod sa ating komunidad.
Ngayong ipinahayag na ng Palasyo ang pagpapaliban ng halalan, nais kong gamitin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagtitiwala. Bagama’t pansamantalang nahinto ang ating paglalakbay sa halalan, mananatili sa aking puso ang lahat ng inyong ipinakitang pagmamahal at pagkakaisa.
Hanggang sa muli, umaasa akong mananatili ang inyong suporta, tiwala, at pagmamahal. Nawa’y patuloy tayong magkaisa para sa ikabubuti ng ating barangay at ng bawat pamilyang ating pinaglilingkuran.
Makakaasa kayo na hindi ako mawawala. Hindi man sa pamamagitan ng isang posisyon, mananatili akong handang makinig, tumulong, at maglingkod sa abot ng aking makakaya para sa ating mga kabarangay at sa buong Barangay Macabling.
Maraming salamat sa inyong lahat. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa ating komunidad.
Mabuhay ang Barangay Macabling! Mabuhay tayong lahat!
Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,
Raymart “EMAK” Lucero
01/09/2026
SANTA ROSA, MAGSUOT NG FACE MASK 😷
Dahil sa kasalukuyang Poor Air Quality sa lungsod, pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask bilang pag-iingat.
Ang haze ay dulot ng forest fires sa Kalimantan, Indonesia na umabot sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Habagat.
Mag-ingat po tayong lahat.
🦁
31/08/2026
Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, ating alalahanin at bigyang pugay ang mga bayaning nag alay ng kanilang buhay, panahon, at sakripisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa.
Nawa’y magsilbi silang inspirasyon upang ipagpatuloy natin ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng pagkakaisa, malasakit sa kapwa, at tapat na paglilingkod sa ating komunidad.
Ang tunay na kabayanihan ay hindi lamang matatagpuan sa kasaysayan, kundi sa bawat mamamayang handang tumulong at magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.
Happy National Heroes Day!
Pagpupugay sa ating mga Bayani. 🇵🇭
Raymart “EMAK” Lucero
Barangay Councilor Aspirant
Emak Lucero Konsi Emak Lucero
💙🫰
24/08/2026
Happy Birthday, my Queen, my love Ains GP - Lucero
! 💙🌹
Today is all about celebrating the amazing woman who fills my life with love, happiness, and strength. Thank you for being my partner, my best friend, and my greatest blessing. Every day with you is a gift, and I’m grateful for all the beautiful memories we’ve shared and the many more we will create together.
May God bless you with good health, endless happiness, and all the desires of your heart. I love you more than words can say. Happy Birthday, my wife! 🎂🎉💖
- Emak Lucero Konsi Emak Lucero
22/08/2026
𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐏𝐎!
𝑻𝒂𝒖 𝑮𝒂𝒎𝒎𝒂 𝑷𝒉𝒊 𝑻𝒓𝒊𝒔𝒌𝒆𝒍𝒊𝒐𝒏 𝒅𝒆 𝑴𝒂𝒄𝒂𝒃𝒍𝒊𝒏𝒈 sa pamumuno ni GT Ong-Iko
sa pag-imbita sa akin sa inyong ika-18th Founding Anniversary.
Isang karangalan at kasiyahan na maging bahagi ng inyong pagdiriwang. Nawa’y magpatuloy pa ang inyong matibay na samahan, pagkakapatiran, at paglilingkod sa komunidad.
Wishing you more years of brotherhood and success. Mabuhay ang Tau Gamma Phi! 💙🫰🖖
-Emak Lucero
Konsi Emak Lucero
22/08/2026
Isang maalab at taus-pusong pagbati ng ika -18th Founding Anniversary ng Tau Gamma Phi! 🔱🔥 Macabling Chapter 💙🫰
Mabuhay ang Kapatirang Tau Gamma Phi na patuloy na nagiging haligi ng Pagkakaisa, Disiplina, at Paglilingkod sa Kapwa. Sa loob ng 18 taon, hindi matitinag ang inyong paninindigan at diwa ng “Fraternity for Humanity.”💙🫰
Mabuhay kayo!
-Emak Lucero Konsi Emak Lucero
20/08/2026
𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟮𝟭 𝗜𝗦 𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬
Malacañan Palace Proclamation No. 1006 declares August 21, 2026, Ninoy Aquino Day, a Special Non-Working Day in the Philippines.
This day commemorates the 1983 assassination of former Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr., a pivotal event that sparked the 1986 People Power Revolution and led to the downfall of the Marcos Dictatorship.
Read the official document here:https://pco.gov.ph/wp-content/uploads/2025/09/20250903-PROC-1006-FRM.pdf.pdf
19/08/2026
PART 2.
Liga-League 2026 Volleyball Tournament
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na LIGA-LEAGUE 2026 Volleyball Tournament na ginanap noong Agosto 16, 2026 sa Lakeshore Village, Brgy. Macabling, Santa Rosa City, Laguna sa pangunguna ni Barangay Councilor Aspirant Raymart “EMAK” Lucero.
Maraming salamat sa ating mga sponsors na naging katuwang upang maisakatuparan ang programang ito:
JRP Racing, Vitaliscope, A Ambulance and Rescue, A1 Globus, at Future Care Educational Wellness Foundation.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng manlalaro, coaches, supporters, volunteers, team leaders, at sa buong komunidad na nakiisa at nagbigay ng kanilang oras, suporta, at tiwala.
Espesyal na pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Macabling para sa kanilang mahalagang assistance at suporta, gayundin sa Tau Gamma headed by
Marjun Ong-Iko at sa lahat ng grupong tumulong upang maging maayos at matagumpay ang ating palaro.
Maraming salamat po. Boss Arvin Patapat, Boss Renz Mateo, Boss vhea Reyes 💙🫰 Mahal namin kayo! Salamt din sa ating mga SK Aspirants sa pangunguna nina SK Chairman Aspirant Jabby Montoya, SK Justine Lucero, Yohan Cardinal, Threeza Gonzales
Chin Gonzales, Vincent Ordoñez, Justine Aquino, sa pagpapakita ng suporta at kay Konsehal Roy Lucero konsehal Visho Alojado of Brgy. Tagapo para sa kanilang dedikasyon at pakikiisa.
To MBS Family,Jam Ignacio et al. Salamat po. 💙🫰
Ang tagumpay ng palarong ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong magagawa para sa kabataan at sa ating barangay.
Hindi lang ito tungkol sa volleyball ito ay tungkol sa pagkakaisa, sportsmanship, at pagbibigay ng oportunidad para sa ating mga Ka Barangay!
19/08/2026
PART 1

Contact the business
Website
Address
Xinbei
4026
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Konsi Emak Lucero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.