Mommy Yet

Mommy Yet

Share

• MOM of 10 cats
• Goal Digger MOM
• Budulera MOM
• Online Seller MOM
• Raketera MOM

12/02/2026

"KAPAG NANAY KANA, TULOG NA SILA PERO IKAW GISING PA"

Kapag tahimik na ang buong bahay,
kapag patay na ang ilaw sa mga kwarto,
at kapag mahimbing na ang tulog ng lahat,
may isang taong gising pa...
ang ina.

Hindi siya gising dahil wala siyang antok.
Gising siya dahil may mga iniisip pa siyang tapusin.
Mga pinggang huhugasan.
Mga damit na lalabhan.
Baon na ihahanda.
Bayarin na binibilang.
At mga alalahaning walang pahinga.

Habang ang pamilya ay nagpapahinga,
siya ay nakaupo sa gilid ng k**a o mesa,
tahimik na nag-iisip kung paano pagkakasyahin ang bukas.
Kung may sapat bang pagkain.
Kung may pambayad sa eskwela.
Kung okay lang ba ang mga anak niya.

Minsan, pagod na pagod na siya.
Masakit ang likod.
Mabigat ang ulo.
Pero pinipili pa rin niyang magising.
Hindi dahil madali,
kundi dahil sa pagmamahal niya sa pamilya.

Ang reyalidad ng isang ina ay hindi palaging nakikita.
Walang palakpak.
Walang medalya.
Walang papuri.
Pero araw-araw may sakripisyo.

May mga gabing tahimik siyang umiiyak
dahil hindi niya alam kung sapat ba ang ginagawa niya.
May mga gabing natutulog siyang may kaba,
pero gumigising kinabukasan na parang walang nangyari,
handa na naman sya magmahal at mag-alaga.

Habang tulog ang mga anak,
siya ang bantay ng pangarap nila.
Habang tulog ang asawa,
siya ang tahimik na sandigan ng buong tahanan.

Hindi niya hinihiling na mapansin.
Hindi niya hinihiling na purihin.
Ang hiling lang niya,
lumaki ang mga anak na mabuti,
maging maayos ang pamilya,
at balang araw, maalala siya hindi dahil sa pagod...
kundi dahil sa pagmamahal.

Hindi lahat ng bayani ay nasa labas ng bahay.
May bayani sa kusina.
May bayani sa sala.
May bayani sa dilim ng gabi.

Kung may ina sa buhay mo,
yakapin mo siya habang gising pa siya para sa’yo.
Pasalamatan mo siya habang kaya pa niyang ngumiti.
Dahil ang bawat gabing siya’y gising
ay patunay ng pagmamahal na walang pahinga.

At sa mundong mabilis matulog,
ang isang ina ang huling gising,
at unang bumabangon para sa pamilya.

‎CTTO FondaMotto

11/02/2026

"MAG-ARAL NA MAGING KURIPOT, UPANG
SA HULI AY MAS MAKAPAGBIGAY AT MAKATULONG SA TAMANG KAPARAANAN"

Lahat gustong pag-usapan ang pagiging mapagbigay.
"Be kind, be generous, share your money!"

Pero ang hindi sinasabi ng karamihan ay ito:
Kung hindi ka marunong maging kuripot, hinding-hindi ka yayaman.

Ang pagiging “kuripot” ay hindi pagiging madamot o cheap.
Ito ay tungkol sa pagprotekta ng iyong pera—parang isang Lion na pinaprotektahan ang kanyang mga anak.

Bakit nga ba ang pagiging kuripot ay isang secret weapon ng bawat successful na tao:

1.) Ang Kuripot ang May Control sa Pera—Hindi Baliktad.
Kung gastos ka nang gastos na parang libre lang, hawak ka ng pera mo.
Ang mga kuripot, hindi hinahayaang dumulas ang pera sa k**ay nila.
Nagba-budget sila, may plano, at ginagastos lang kung talagang kailangan.

2.) Ang Kuripot ang Mas Malaki ang Na-iipon, Na-iinvest, at Yumayaman agad.
Yung mga sobrang mapagbigay kahit walang plano? Laging broke.
Ang mga kuripot, masipag mag-ipon, magaling mag-invest, at tahimik lang sa pagyaman.
Ang “pagiging kuripot” na ‘yan ang pundasyon ng kayamanan nila.

3.) Ang Kuripot ang Mas Marunong Magpahalaga sa Pera.
Kapag kuripot ka, dalawang beses kang mag-iisip bago bumili.
“Kailangan ko ba talaga ‘to?”
“Makakatulong ba ‘to sa pagyaman ko o pansamantalang luho lang?”
Ang ganitong mindset, ginagawang malaking tagumpay ang maliliit na desisyon.

4.) Umiiwas sa Utang ang Mga Kuripot.
Gusto mong yumaman? Iwasan mo ang utang.
Ang kuripot, hindi nangungutang para sa walang kwentang bagay.
Nabubuhay sila below their means, at nag-iipon muna bago gumastos.

5.) Ang Kuripot ay Nakafocus sa Long-Term Goals, Hindi sa Pansamantalang Sarap.
Ang mayayaman marunong maghintay.
Hindi agad bumibili ng mamahaling gadgets, party dito, gastos doon.
Alam nila na ang maliliit na sakripisyo ngayon = malaking rewards bukas.

6.) Ang Kuripot ang May Disiplina at Mental Toughness.
Hindi madali maging kuripot.
Kailangan mong labanan ang peer pressure.
Kailangan mong i-ignore ang “YOLO” mentality.
Pero dito nabubuo ang disiplina—na siyang #1 ugali ng mga mayayaman.

7.) Ang Kuripot nag-iisip bilang Investor, Hindi bilang Consumer.
Hindi sila bumibili para lang sumaya saglit.
Bumibili sila ng bagay na pwedeng dumoble ang pera nila o makapag-improve sa skills nila.
Itong shift sa mindset ang pinak**abilis na daan paalis sa kahirapan.

8.) Ang Kuripot ay Hindi Basta-Basta Nagpapagamit sa Iba.
Kung sobrang mapagbigay ka, dadagsain ka ng mga parasites at scammer.
Ang kuripot, mapili kung sino lang ang may access sa pera nila.
Nagbibigay sila—pero kailangan may saysay.

9.) Ang Kuripot? Hindi ‘Yan Masamang Salita—Sekreto ‘Yan ng mga Mayayaman.
Maganda ang generosity—pero dapat AFTER ka nang maging financially stable.
Habang nagbubuo ka pa ng yaman mo, ang pagiging kuripot ay tanda na seryoso ka sa future mo.

10.) Ang Pinak**ayayamang Tao sa Mundo? Kuripot Sila.
Tulad nila Bill Gates. Warren Buffett. Elon Musk.
Hindi sila basta-basta gumagastos sa mga nonsense na bagay.
Nag-iinvest, nag-iipon, nagpo-protect,
Kaya sila lalong yumayaman.

Ang totoo?
Kung gusto mong yumaman, sanayin mong matawag kang kuripot.
Huwag kang mahiya na protektahan ang pera mo.
I-protekta mo. Iparami mo. Ipalago mo.

Dahil kung hindi mo nirerespetu ang pera mo—hindi ka rin nito rerespetuhin nito.

CTTO

10/02/2026

Habang inuuna mong asikasuhin
ang anak mo, unti-unti mong
napapabayaan ang sarili mo.

It doesn’t happen all at once.
Hindi mo rin siya agad napapansin.

It starts with small decisions.
“Later na lang.”
“Kaya ko pa.”
“Okay lang, sanay naman ako.”

You wake up
already thinking about them.
What they need.
What you need to prepare.
What can’t be missed today.

And somewhere in between,
you stop asking yourself
how you’re really doing.

As a mom,
it feels natural to put them first.
As a mompreneur,
it feels necessary to keep going.

But quietly, some parts of you
get pushed back.
Your rest.
Your clarity.
Your own sense of direction.

Hindi dahil ayaw mong
alagaan ang sarili mo.
Kundi dahil sanay kang magpaubaya.

And you know what?

You can love your child deeply
and still make space for yourself.

Hindi kailangang balewalain
ang sarili mo
para maging mabuting nanay.

Because a mom who is grounded,
present,
and still connected to herself
shows her child what balance looks like.

Sometimes,
the first step isn’t fixing anything yet.

It’s simply noticing
that you matter too. 🩷

CTTO

05/02/2026

☆ANG SIKRETO NG OFW NA NAKA-TRYCICLE LANG☆ [short story]

Tahimik ang umagang iyon sa maliit na barangay na matagal nang hindi nagbabago ang itsura.

Pare-pareho pa rin ang mga bahay—may ilan na naipinturahan, may ilan na tinakpan lang ng bagong yero—ngunit ang mga mata ng mga tao roon ay nananatiling mapanuri, palaging may hinahanap na mapag-uusapan.

Kaya nang huminto ang isang lumang tricycle sa tapat ng bahay na may kupas na gate, agad na napalingon ang mga kapitbahay.

Bumaba ang isang babae, si Amelia, 42 na taong gulang.

Simple ang suot niya—puting t-shirt na walang disenyo, maong na kupas sa tuhod, at sapatos na halatang matagal nang gamit. Iisang maleta lang ang bitbit niya, kulay abo, halatang nakasama na sa maraming biyahe.

“Si Amelia na ba yan?”

“’Yan na ’yung galing abroad?”

“Sampung taon daw ’yan doon ah.”

Hindi man lang lumingon ang babae sa mga boses. Dahan-dahan niyang hinila ang maleta papasok sa bakuran, pero bago tuluyang magsara ang gate, narinig niya ang isang bulong na hindi na nagtangkang magpababa ng boses.

“Sampung taon sa ibang bansa, tricycle lang ang sinakyan pauwi? Isang maleta pa? Ano ’yon, wala yatang napala.”

May sumunod na mahinang tawa.

Huminto sandali si Amelia. Bahagyang huminga nang malalim. At saka siya ngumiti—isang ngiting kalmado, walang bahid ng galit o hiya. Parang sanay na sanay na.

Isinara niya ang gate.

Halos sampung taon siyang nawala sa lugar na iyon. Sampung taong nagtrabaho sa ibang bansa—hindi bilang artista, hindi bilang negosyante, kundi bilang isang karaniwang manggagawa na gumigising nang madaling-araw at umuuwing pagod.

Sampung taong halos walang nakakaalam ng tunay niyang pinagdaanan.

At sa loob ng sampung taon ding iyon, nabuo sa isip ng mga kapitbahay ang kani-kanilang bersyon ng kwento niya.

May nagsabing baka hindi tumagal ang kontrata. May nagsabing baka naloko ng amo. May nagsabing baka wala talagang diskarte sa pera.

Ngunit wala ni isa ang nagtanong.

Sa mga sumunod na araw, halos pare-pareho ang naririnig ni Amelia.

Tuwing lalabas siya para bumili ng ulam, may mga matang sumusunod sa kanya. Kapag nagdidilig siya ng halaman sa hapon, may mga bulong mula sa kabilang bakod.

“Sayang naman. Kung ako ’yan, may sarili na akong sasakyan.”

“Sampung taon sa abroad tapos ganyan lang?”

“Baka wala talagang naipon ’yan.”

May isang kapitbahay na laging may dagdag na komento, parang hindi kumpleto ang araw kung hindi makakapagpasaring.

“Ang tagal sa abroad pero parang wala man lang nabago sa buhay at bahay niya.”

Kung naririnig man ni Amelia ang mga iyon, hindi niya ipinapakita. Minsan, napapangiti pa siya. Minsan, napapailing na lang. Para bang hindi na bago sa kanya ang ganitong uri ng paghusga.

Sa gabi, tahimik ang bahay niya. Walang engrandeng kasangkapan. Walang mamahaling dekorasyon. Isang simpleng sala, kusina, at kwarto—lahat malinis, lahat maayos.

Sa ibabaw ng mesa, may isang lumang notebook. Doon nakasulat ang mga petsa, halaga, at pangalan ng mga lugar. Doon nakatago ang mga desisyong hindi kailangang ipaalam kaninuman.

Alam ni Amelia kung bakit ganoon ang tingin sa kanya ng mga tao.

At hinayaan niya.

Lumipas ang mga linggo.

Isang hapon, kumalat ang balita—may malaking sunog sa kalapit na barangay. Maraming pamilya ang nawalan ng bahay. Maraming bata ang walang damit. Maraming matatanda ang walang matulugan.

Nagpatawag ng emergency meeting ang barangay.

Nagtipon ang mga tao sa covered court. May ilan na may dalang maliit na sobre. May ilan na nag-aabuloy ng bigas. May ilan na nagrereklamo kung bakit kailangan pang mag-ambagan.

Dumating si Amelia nang tahimik. Umupo sa gilid. Nakikinig lang.

“Nasa sa atin po kung magkano ang maibibigay,” sabi ng opisyal. “Kahit konti, malaking tulong na.”

May ilang nagtaas ng k**ay.

“Isang kilong bigas na lang po muna.” “Mga lumang damit.”

May mga bulungan ulit nang mapansin si Amelia.

“Baka wala ring maiaambag ’yan.”

“Malay mo, baka mangutang pa.”

Tahimik lang siya.

Hanggang sa tumayo siya.

Hindi malakas ang boses niya. Hindi rin nanginginig. Simple lang.

“Ako na po ang bahala sa pagbili ng groceries at damit para sa mga nasunugan,” sabi niya. “At magbibigay din po ako ng pera.”

Parang may huminto ang hangin.

May mga napalingon. May mga napamulagat. May isang napaubo, parang hindi makapaniwala sa narinig.

“Ha?” mahina ngunit malinaw na sambit ng isang kapitbahay.

May nagtanong, “Ikaw… ikaw lang?”

"Sigurado ka?"

Tumango si Amelia. “Opo.”

Tahimik ang buong covered court sa loob ng ilang segundo—iyong uri ng katahimikan na puno ng tanong, hinala, at pagkagulat.

Walang paliwanag na kasunod. Walang pagyayabang. Umupo ulit siya.

Kinabukasan, siya mismo ang naghatid ng tulong. Hindi niya ipinahawak sa iba. Siya ang bumili, siya ang nag-ayos, siya ang nag-abot.

Nakita ng mga tao ang mga supot—punong-puno. Bigas, delata, gatas, damit para sa bata at matanda. May sobre pang iniabot.

“Salamat po,” nanginginig ang boses ng isang nanay na nawalan ng bahay. “Hindi ko po al

04/02/2026

Ako si Julie, masayahing tao ako mula pagkabata—kahit may iniindang sakit sa tuhod, dahil congenital disability , madali akong mapagod at mahirapang lumakad. Pero sa kabila ng lahat, mayroon akong kayamanang hindi mabibili: ang mga kaibigan ko.

Tuwing recess sa school, may laro kaming tatlo—si Andoy, si Bea, at ako. Laro ng biro at tawanan, parang comedy show sa classroom.

“Julie, kung tumakbo ka lang kalahating bilis, baka mahuli mo pa si Andoy!” sigaw ni Bea, sabay tawa.
“Ano! Kalahating bilis? Eh kalahati lang ako sa normal!” sagot ko, sabay hagikgik.
“Eh ‘di perfecto!” dagdag ni Andoy, at sabay kaming tawa, pati ang buong klase ay sumabay.

Pero sa likod ng tawanan, may tinatago akong lungkot. Pangarap kong makapasok sa kolehiyo, maging g**o balang araw, pero limitado ang katawan ko. Ang bawat hakbang, kahit sa simpleng hallway, ay may kasamang kirot.

Isang araw, sa field test ng PE, alam kong hindi ko kakayanin. Habang nakaupo sa gilid, pinanood ko ang mga kaklase ko na tumatakbo. Halos mabagsak ang puso ko. Pero biglang dumating sina Andoy at Bea.

“Julie, wag kang mag-alala. Kami na bahala sa’yo,” sabi ni Andoy, sabay ngiti.
“Oo, tutulong kami. Makakayanan mo ‘to!” dagdag ni Bea.

At saka nila inihanda ang isang surpresa: nire-record nila ang lahat ng test at ginawa ang video, para maipakita sa g**o na kahit hindi ko personal na nagawa, naiintindihan ko ang bawat hakbang.

Habang pinapanood ko ang video, hindi ko napigilan ang luha. Hindi lang lungkot—luha ng pasasalamat at pag-asa.

Ngunit hindi lahat ng araw ay puno ng halakhak at tulong. Isang gabi, bumagsak ako sa hagdan habang nag-ayos ng gamit para sa presentation. Masakit ang tuhod, at nagkaroon ng maliit na pilay. Halos mawalan ako ng pag-asa. Pumasok ang takot: paano ko makakamit ang pangarap ko kung bawat hakbang ay sakit?

Ngunit andiyan ang kaibigan ko. Si Bea, sabay hawak sa k**ay ko:
“Julie… kahit bumagsak ka, babangon ka. At andito kami sa tabi mo.”
Si Andoy naman, kahit nahihirapan sa sarili niyang proyekto, tumawa sa harap ko:
“Eh, kung ako nahulog sa love life mo, eh di tatawa ka nalang”
At sabay kaming tumawa halos luha na, halo ng saya at lungkot.

Lumipas ang dalawang taon. Nakapasok ako sa kolehiyo, nakatapos ng kursong edukasyon. Ngayon, isa na akong g**o ng mga batang may special needs. At tuwing nakikita ko silang natututo, nakangiti, at nakikipaglaro… nararamdaman ko ulit ang halakhak ng kaibigan ko noon sa library. Ang bawat biro, bawat tulong, ay naging inspirasyon ko.

Tuwing gabi, habang tinutulungan ko ang estudyante kong nahihirapan sa lesson, iniisip ko: minsan, ang pinak**alalaking tagumpay ay nagsisimula sa pinak**aliit na tulong at pinak**asayang tawanan. Ang bawat haplos, bawat encouragement, ay kayang baguhin ang buhay—hindi lang sa bata, kundi sa buong mundo.

Ngayon, sa bawat bata at sa bawat halakhak ng aking kaibigan noon, natutunan ko:
Hindi sukatan ang lakas ng katawan para malaman mo ang halaga mo sa mundo. Ang tunay na lakas ay ang tibay ng puso at ang kabutihang ibinabahagi mo sa iba.

---WAKAS

CTTO

04/02/2026

"ANG PAG-AASAWA AY HINDI PARANG MAINIT NA KANIN NA PWEDE MONG ILUWA KAPAG NAPASO KA"

Nakakatakot mag-asawa ng taong hindi pa
tapos sa pagkabinata o pagkadalaga.

Yung tipong gusto pa ring mag-enjoy na parang walang responsibilidad.

Ang isip ay nasa gala, barkada,
bisyo, at pansariling kaligayahan
kahit may pamilyang dapat inuuna.

Maraming kwento sa totoong buhay ang ganito nagsisimula...
sa una, puno ng pangako.
“Magbabago ako.”
“Ikaw na ang huli.”
“Handa na ako.”

Pero pagdating ng panahon,
lumalabas ang katotohanan...
hindi pa pala handa.
Hindi pa pala tapos sa sarili.
Hindi pa pala kayang isuko ang dating buhay
para sa isang mas mabigat at mas mahalagang tungkulin...
Ang maging asawa at maging magulang.

📌 Ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo.
Hindi ito larong puwedeng sukuan kapag mahirap na.
Hindi ito desisyong puwedeng bawiin
kapag hindi na masaya.

Ito ay tipan.
Ito ay panghabambuhay na responsibilidad.
Ito ay araw-araw na pagpili sa iisang tao
kahit may tukso,
kahit may problema,
kahit may pagod.

Kapag nag-asawa ka ng taong hindi pa tapos sa pagkabinata o pagkadalaga,
ikaw ang sasalo ng kanilang kalituhan.
Ikaw ang magdurusa sa kanilang pagiging makasarili.
Ikaw ang magiging saksi sa mga pangakong napako
at mga planong hindi natupad.

Maraming pamilya ang nasisira
hindi dahil sa kakulangan sa pagmamahal,
kundi dahil sa kakulangan sa kahandaan.
Hindi handa sa sakripisyo.
Hindi handa sa pagbabago.
Hindi handa sa pagiging responsable.

Kaya bago ka pumasok sa pag-aasawa,
maghunos-dili ka.

Tanungin mo ang sarili mo...
Handa na ba akong iwan ang dating ako?
Handa na ba akong unahin ang pamilya kaysa sarili?
Handa na ba akong manatili kahit mahirap?

Huwag kang magmadali dahil lang sa edad.
Huwag kang mag-asawa dahil sa pressure ng paligid.
Huwag kang pumasok sa kasal dahil takot kang mag-isa.

📌 Mas mabuting maghintay
kaysa magk**ali.
Mas mabuting maging handa
kaysa magsisi habang buhay.

Ang pag-aasawa ay hindi eksperimento.
Hindi ito trial and error.
Ito ay isang desisyong walang “undo.”

Kung hindi ka pa tapos sa pagkabinata o pagkadalaga,
kung gusto mo pa ring mabuhay na parang wala kang responsibilidad,
huwag ka munang mag-asawa.
Dahil sa oras na pumasok ka sa buhay ng isang tao bilang asawa,
dala mo ang obligasyong buuin, hindi wasakin,
alagaan, hindi pabayaan.

Sa huli,
ang tunay na pag-ibig ay hindi lang kilig.
Ito ay kahandaang magbago.
Ito ay tapang na manatili.
Ito ay disiplina na pumili araw-araw
ng iisang tao kahit mahirap.

Kaya pag-isipan mong mabuti ang pag-aasawa.
Dahil hindi ito parang kanin na kapag napaso ka, iluluwa mo.
Ito ay buhay ng dalawang tao
na magkadugtong na sa isang desisyong minsan mo lang gagawin,
at dapat mong panindigan habambuhay.

‎CTTO FondaMotto

02/02/2026

May mga lalaking kayang talikuran ang sariling pamilya...
iiwan ang asawang matagal na nakasama,
iiwan ang mga anak na umaasa sa kanya,
at pipiliing makisama sa babaeng hiwalay sa asawa at may sarili ring mga anak.

Mas masakit pa kaysa sa pag-iwan ay ang dahilan na ibinibigay nila sa sarili nila.
Pinapaniwalaan nilang tama ang ginagawa nila.
Ginagawa nilang katwiran ang kaligayahan.
Ginagawa nilang palusot ang salitang “pag-ibig” para takasan ang responsibilidad.

Sa umpisa, parang madali ang desisyon.
Parang masaya ang bagong simula.
Parang wala nang bigat ng obligasyon.
Pero sa likod ng panibagong relasyon,
may pamilyang naiwan sa sakit,
tanong, at pagkawasak.

Ang asawa ay naiwang nagtataka...
“Saan ako nagkulang?”
Ang mga anak ay naiwang naguguluhan...
“Bakit kami iniwan ni Papa?”

Ang desisyong iyon ay hindi lang pagpili ng ibang babae,
ito ay pagpiling talikuran ang sariling dugo at laman.

Sa totoong buhay, maraming ganitong kwento ang tahimik lang.
Hindi palaging naririnig sa balita,
pero araw-araw may pamilyang nababasag dahil sa maling pagpili.

May mga taong nagsasabing,
“Hindi na ako masaya.”
“May karapatan din akong maging masaya.”

📌 Pero ang kaligayahan na ang kapalit ay luha ng sariling anak
ay hindi kailanman magiging ganap na kaligayahan.

Ang tunay na lalaki ay hindi tumatakbo kapag mahirap na.
Ang tunay na ama ay hindi nagpapalit ng pamilya kapag may problema.
Ang tunay na responsibilidad ay hindi iniiwan,
ito ay pinanindigan kahit masakit at mabigat.

📌 Hindi lahat ng nararamdamang pag-ibig ay tama.
Hindi lahat ng bagong simula ay malinis.
May mga desisyong may kapalit na habambuhay na sugat sa puso ng mga anak.

Minsan iniisip ng lalaking umalis na nakatakas na siya sa problema,
pero dala-dala niya ang konsensya kahit saan siya magpunta.
Dahil ang iniwang pamilya ay hindi basta nabubura sa alaala.

Kung may mga lalaking nakababasa nito...
Ang pamilya ay hindi laruan na pwedeng palitan kapag nagsawa.
Ang asawa ay hindi gamit na itinatabi kapag may mas bago.
At ang mga anak ay hindi obligasyong tinatakasan.

Ang tunay na tapang ay hindi ang pagsunod sa pansariling saya,
kundi ang paninindigan sa responsibilidad na minsan mong sinumpaan.

Sa huli,
ang panahon ang magpapakita kung sino ang tumakas
at sino ang nanatiling totoo sa kanyang tungkulin.

📌 Dahil ang maling desisyon ay maaaring magmukhang tama sa umpisa,
pero ang sugat na iniwan nito sa pamilya
ay mananatiling patunay na hindi lahat ng pinili ng puso...ay pinili ng konsensya.

‎CTTO FondaMotto

02/02/2026

Hindi palaging oras
ang kailangan ng anak mo,
minsan presensya mo lang.

You tell yourself you need more time.
More hours in the day.
More space to breathe.

Pero kahit nandiyan ka na,
kasama mo na sila,
may mga sandaling
hindi ka pa rin buo.

Your body is there.
Katabi mo siya.
Naririnig mo ang kwento niya.

But your mind is still running.
Work that needs finishing.
Decisions waiting.
Things you can’t forget yet.

As a mom,
you try to squeeze moments in.
As a mompreneur,
sanay kang laging may iniisip.

That’s the quiet struggle.

Hindi naman hinahanap ng anak mo
ang buong araw mo.
Hindi rin nila binibilang ang oras.

Mas ramdam nila
kung nandiyan ka talaga.

Yung nakikinig ka
kahit saglit lang.
Yung sagot mo
na hindi minamadali.
Yung sandaling
wala kang ibang iniisip.

Sometimes,
one honest, undistracted moment
stays with them longer
than hours spent half-there.

And that kind of presence
is something you can choose. 🩷

CTTO

02/02/2026

WALA AKONG PERA, PAANO AKO MAKAKAPAG SAVE?

Alin nga ba ang dapat na mauna?

Dapat may pera ka para makapag save?

O mag save ka para magka-pera?

Parang ganon din sa kung nauna ba ang manok o ang itlog, nakakalito.

Pero alam nyo ba na ang linyang "Di ako makapag save dahil wala akong pera" ay isa lamang excuse?

"Oh , really? Ang dali lang sabihin"

Yes excuse lang yan. Bakit? Kasi tingnan mo...

Kahit gaano man kaliit ang income natin meron at meron parin tayong binibili araw-araw na hindi natin kailangan. Tama? Aminin.

So ibig sabihin nyan, if we just prioritize saving money every day or every month, we can really SAVE.

Sample:

If you prioritize saving P20 pesos a day, that's already P600 a month, P7,200 a year, P216,000 in 30 years.

What if you can save P200 a day or P6,000 a month? In 30 years you'll have around P2,160,000.

Wala pang interest yan ha.

Kapag iinvest mo yan tulad ng sa Mutual Funds that will give you 12% annually, after 30 years you will have 20 Million!

What if you can save more?

See.

It's not about may sapat o kulang ang pera para makapag save, it's all about priorities.

Kung priority mong gumastos, kaya mong ubusin lahat ng pera mo maliit o malaki man even in just a day.

Pero kung priority mong mag save at mag-invest, kahit maliit ang iyong income, kaya mong mag save at mapalago ang pera over time.

Saving doesn't start with money. It starts with our MINDSET.

It starts with financial education.

CTTO

02/02/2026

"PALAKIHIN ANG ANAK SA PAGMAMAHAL AT HINDI SA PANUMUMBAT"

May mga magulang na nagsasabing ginagawa lang daw nila ang panunumbat para
“matuto” ang anak.

Pero sa realidad,
ang panunumbat ay hindi nagtuturo kundi nakakasugat.

Hindi nito hinuhubog ang disiplina,
mas madalas, sinisira nito ang tiwala at lambot ng puso ng bata.

Kapag ang bata ay lumaking palaging pinaaalalahanan ng “utang,” natututo siyang sumunod dahil sa takot,
hindi dahil sa pag-unawa.

Ang masakit, dala-dala ng anak ang bigat na ito hanggang pagtanda.
Kahit nagsusumikap na sila, kahit nagbibigay na sila pabalik, parang kulang pa rin.
Dahil hindi naman talaga nababayaran ang isang utang na hindi dapat inutang mula sa simula.

Kaya maraming anak ang napapagod,
hindi dahil ayaw nilang magmahal,
kundi dahil nasakal sila sa obligasyong may kasamang konsensya.

May malaking kaibahan ang pagpapalaki
sa pagpaparusa ng emosyon.

Ang una ay nagtuturo ng responsibilidad.
Ang ikalawa ay nagtatanim ng sama ng loob.

Kapag pinalaki mo ang anak sa pagmamahal at malinaw na hangganan, matututo silang tumayo sa sariling paa hindi para suklian ka, kundi dahil gusto nilang maging mabuting tao.

Hindi kailangang ipaalala araw-araw ang sakripisyo para pahalagahan ka bilang magulang.

Kapag naramdaman ng anak na ligtas silang magmahal at magk**ali,
kusa silang babalik.
Kusa silang magbibigay.
Kusa silang magbibigay ng respeto
hindi dahil may utang na loob,
kundi dahil may pasasalamat.

Ang tunay na layunin ng pagiging magulang ay hindi ang magkaroon ng anak
na “may utang na loob,”
kundi anak na may malayang puso,
matibay na pagkatao,
at kakayahang magmahal nang hindi sinusumbat ang lahat.

Doon nagiging buo ang pamilya,
kapag ang pagmamahal ay hindi sinisingil, kundi kusang ibinibigay.

‎CTTO FondaMotto

28/01/2026

Araw-araw, may mga batang hinahatid at sinusundo ng kanilang mga magulang. Sa mata ng iba, parang simpleng routine lang—normal na parte lang ng araw araw.

Pero para sa isang nanay, bawat paglakad papunta sa gate, bawat hawak sa munting k**ay, at bawat paalam na may kasamang yakap at halik ay may kirot sa pusong mahirap ipaliwanag kahit kanino.

May mga sandaling bigla kang mapapatigil habang papalayo sila, pasan ang bag at dala ang sariling tapang. Doon mo mararamdaman na hindi na sila yung mga batang kapit na kapit sayo, takot maiwan mo, at ayaw bumitaw.

Lumalaki sila. Unti-unti silang nagkakaroon ng sariling mundo, sariling lakad, sariling lakas ng loob. At kasabay noon, ang isang nanay ay unti-unti ring natutong magpaiwan.

Hindi araw-araw madali. May mga panahong masungit siya, makulit, pasaway, at may mga araw na parang hindi ka na niya pinapansin. May mga sandaling pagod na pagod ka na at gusto mo na lang matapos ang lahat. Pero sa kabila ng lahat, araw-araw pa rin ang pagmamahal mo sa kanya — walang kondisyon, walang kapalit. Dahil alam mong darating ang panahon na hindi na nila kakailanganin ang paghatid at pagsundo mo, ang yakap sa gate, at ang presensya mo sa mga simpleng bagay.

Masakit tanggapin na ang pagpapalaki sa anak ay hindi lang tungkol sa pag-aalaga, kundi paghahanda rin sa sarili na darating ang araw na mas hindi ka na nila kailangan. Na ang bawat araw na kasama mo sila ay isang araw na mas papalapit sa pagbitaw niya.

Kaya habang may mga k**ay ka pang pwedeng hawakan, habang may mga boses ka pang tumatawag ng “Mama,” habang may mga pagkakataon ka pang maghatid at magsundo sa kanya araw-araw, pipiliin mong sulitin ang bawat sandali. Kahit pagod. Kahit paulit-ulit. Kahit masakit.

Dahil balang araw, hahanap-hanapin ang routine na ito.
At doon mo maiintindihan na ang hatid at sundo ay hindi pala simpleng gawain—
isa pala ito sa pinak**agandang, at pinak**asakit, na bahagi ng pagiging isang nanay.

CTTO

28/01/2026

"ANG SWERTE SINASABAYAN NG GALAW AT TINATRABAHO HINDI ITO KUSANG LUMALAPIT NANG WALANG GINAGAWA"

Maraming tao ang nagsasabi na ang buhay ay parang sugal...swertehan lang.

Pero sa totoong buhay,
bihira ang swerte na kusang kumakatok sa pinto ng taong nakaupo lang at naghihintay. Kailangan mong gumalaw para swertehin ka sa buhay, dahil ang swerte ay hindi basta ibinibigay...ito ay tinatrabaho.

Ang swerte ay kadalasang nagmumukhang pagkakataon.
Pero ang pagkakataon ay dumarating lamang sa mga handang sumubok.

Sa bawat hakbang na ginagawa mo
kahit maliit, kahit mabagal
binubuksan mo ang pinto ng posibilidad.

Habang ang iba ay nag-aantay ng tamang oras, ang iba naman ay kumikilos kahit hindi pa sigurado.
At kadalasan, ang mga kumikilos ang mas napapalapit sa tinatawag nating “swerte.”

Sa totoong buhay, walang yumayaman, umaangat, o nagtatagumpay dahil lang umasa sila sa tsamba.

May puyat sa likod ng bawat tagumpay.

May pawis sa likod ng bawat magandang balita.

May luha sa likod ng bawat “swerte” na nakikita ng iba.

Ang hindi nila alam, ilang beses kang sumubok, nabigo, at muling tumayo bago mo naranasan ang bunga ng iyong pagsisikap.

Hindi ibig sabihin na garantisado ang tagumpay sa bawat kilos.

May mga pagkakataong gagalaw ka, pero hindi agad papabor ang resulta.

Doon nasusubok ang tibay ng loob
kung titigil ka ba o magpapatuloy.

Dahil ang swerte ay hindi para sa tamad maghintay, kundi para sa matiyagang kumilos.

Para sa taong handang matuto sa pagkak**ali at bumangon mula sa kabiguan.

📌 Huwag mong iasa ang buhay mo sa swerte lang.
Gawin mo ang bahagi mo.
Mag-aral ka.
Magtrabaho ka.
Sumubok ka kahit may takot.

Dahil habang ikaw ay kumikilos, hinahabol ka ng mga oportunidad.
At sa tamang panahon, masasabi mo na lang, “Sinwerte ako”
kahit ang totoo, pinaghirapan mo iyon.

Sa mundong hindi patas,
ang pagkilos ang pinak**alakas mong sandata.
Kaya kung gusto mong swertehin sa buhay, huwag ka lang umasa...gumalaw ka.
Dahil ang swerte, para lang sa mga taong hindi takot kumilos, gumalaw at makipagsapalaran.
Ito din ay sinasamahan ng tiwala at pananalig.

‎CTTO FondaMotto

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


San Jose
Antipolo
1870